"Bakit mo ginawa iyon Bella? Bakit ka umalis sa ganyang kalagayan mo?" Tanong sa kanya ni Enzo nang maiwan na silang dalawa lang sa loob ng bahay. Wala sa mukha ng asawa ang galit, ngunit hindi naitago ng asawa ang galit sa tinig nito. Inaasahan naman na niyang magagalit sa kanya ang asawa, dahil mali ang ginawa niya. "Natakot ako Enzo," sagot niya at nagyuko ng ulo. Nahihiya siya sa ginawa niya. "Natakot ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Araw, araw tayong magka usap, kinukumusta kita lagi. Sabi mo ok ka lang. Pero, look what had you done?" May himig galit na litanya ng asawa sa kanya. Nanatili siyang nakayuko ng ulo. Hindi magawang tignan ang asawa sa mga mata. Hiyang-hiya sa ginawa niya. Napaka selfish and childish ng ginawa niya. Tama lang na magalit sa kanya ang asawa at pagsabiha