Kinakabahan siya, takot na takot na siyang nakaupo sa likuran ng kotse. Mag isa lang siya sa likod. At mga lalaking sumundo sa kanya nasa driver seat at passenger seat. Nanginginig ang buong katawan niya. Isa ang nasa isip niya, ang tawagan si Enzo at humingi ng tulong. Iyon nga lang naiwan ang cellphone niya sa apartment nila Lyca. Wala siyang ano mang gamit na nadala, dahil sa pagkabigla kanina. Alam niyang si Mr. De Silva ang nagpasundo sa kanya, kaya takot na takot siya. Anong malay niya kung ano ang gagawin sa kanya ni Mr. De Silva. Baka katulad ng mga napapanood niya sa mga novela na pinapatay ang mga taong ayaw ng mga mayayaman. Ayaw na ayaw sa kanya ni Mr. De Silva. Abot langit ang pagka disgusto nito sa kanya para sa anak nito. Hindi naman siguro ganoon kasama ang mangyayari sa