Tatlong araw na ang lumilipas hindi pa rin nila nakikita si Bella. Tumutulong na ang kanyang Papa sa paghahanap sa asawa niya. Araw-araw siyang halos nasa university inaabangan ang pagpasok at paglabas ng asawa sa eskwelaan, pero sabi ng Dean hindi daw pumapasok ngayon ang asawa. Kumuha pa ng PI ang Papa niya para mapadali ang paghahanap kay Bella, sadyang wala pa ring balita. Hula ng PI ay nag disguise ang asawa niya para hindi ito makilala sa labas, kaya magpa hanggang ngayon wala pang lead kung nasaan ang asawa. Nagpapasalamat siyang natauhan na ang ama at ngayon ay tumutulong sa paghahanap sa asawa niya. Sa mga siniwalat ng ama ay naintindihan niya ito kung bakit ganoon na lang ang galit nito kay Bella. Kung bakit hindi ito matanggap ng ama bilang asawa niya. Tao lang din ang ama n