Alas otso na ng marating nila ang bahay ng kanyang Papa. Masyado kasing ninenerbyos si Bella, at gustong maging perfect ang lahat sa pagharap nito sa pamilya niya. Natagalan din sila sa pagpili ng damit na isusuot nito. Hindi na lang siya kumontra pa. Kahit ano naman ang isuot ng asawa ay nababagay rito, dahil maganda ito magdala ng damit. "Enzo, are you sure ok na ang ayos ko?" Tanong sa kanya ni Bella ng maihinto ang kotse sa tapat ng pintuan. "Yes, sweetheart. Napakaganda mo," puri niya sa asawa. Ma asul-asul na lace dress ang suot ng asawa, na lumagpas sa tuhod nito. Tinernuan nito na puting sandals na may heels. Suot rin ng asawa ang mga regalo niyang alahas. Lalo na ang dalawang engagement ring na nasa magkabilang daliri nito, at ang wedding ring. Bumagay sa dress ng asawa ang kwi