"Sa tingin mo ba Enzo, hindi na talaga tayo guguluhin pa ni Shopie?" Tanong ni Bella sa kanya habang pauwi na sila. Matapos ang pangugulo ni Shopie, agad na niyang sinundan ang asawa sa silid ni Annika. Nadatnan niyang nagkukwentuhan ang kapatid at asawa. Natutuwa naman siya dahil kahit papano mukhang magkakasundo ang dalawa. Kilala niya ang kapatid na namimili ng kausap. At mukhang pumasa si Bella sa kapatid. Agad na niyang niyayang umuwi ang asawa para makapagpahinga na ito. Halata niyang pagod na ang asawa sa mga walang tigil na panggugulo ni Shopie sa kanila sa loob lang ng isang araw. Matapos makapag paalam ay agad na silang umuwing mag asawa. Alam niyang pagod na ang asawa, sa dami ng mga ganap sa gabing ito. Hahayaan muna niya itong makapag pahinga mamaya pagdating nila sa bahay.