Chapter-60

2035 Words

Kinabukasan pagmulat niya mabigat ang buong katawan niya, tamad na tamad siya. Ito ang pakiramdam na sinasabi niya kaya naiisip niyang baka nga buntis na siya. Ilang beses na kasi niyang naramdaman ang ganito tuwing umaga. Bumangon siya at naramdaman ang pananakit ng ulo. Sinalo niya ang ulo, doble ang sakit ngayon. Marahil dahil sa pag iyak niya kagabi, isama pa ang masamang pakiramdam. Magdamag siyang umiyak. Kung anu-ano ang naiisip niya. Sinisisi ang sarili sa mga nangyayari kay Enzo. Wala naman dapat sisihin sa paghihirap ng asawa ngayon kundi siya. Kundi dahil sa kanya hindi magkakaganito si Enzo. Hindi ito itatakwil ng Papa nito. Kahit masama ang pakiramdam pinilit niyang bumangon. Marami silang activities sa eskwela. Kaya titiisin na muna niya ang sakit sa ngayon. Matamlay siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD