4: HER PARTY LIFE

2106 Words
Parang dudugo ang ulo ko sa paghahabol ng auditing. Muntikan nang sumablay lalo na't nahirapan kami sa bago naming biling hotel sa Cebu. Nakaraos naman kahit papano. Pagod na ako pero nagkayayaan kaming lumabas ng mga katrabaho ko. Halos magkakaedad lang kami sa kumpanya. Karaniwan sa kanila mga kaibigan ko lang din. Kami-kami lang ang nagpapatakbo. Maliit lang pero malaki ang revenue. Siguro kaya kami pressured lagi sa trabaho lalo na pag-auditing na. Buti na lang karaniwan sa mga nabibili kong hotel eh masisipag sa kanilang trabaho kaya wala akong problema. Sa isang sports bar kami nag-punta para makainom at makapanuod na rin ng football. Malakas akong uminom dati pero ngayon isang basong crown and coke sapat na. "Wag kayong masyadong iinom. May pasok pa tayo bukas." Saway ng CFO namin. "Yes, sir!" Sumaludo si Jon. Hindi naman niya susunurin kasi siya ang pasimuno ng lahat. "Mauna na ako," tinapik naman ako ng F&B Executive Director ko sa balikat. May kasabay na siyang babae. Kahit na ba sabihin na nating mayayaman at professional na itong mga kasama ko, asal bagong empleyado pa rin. Naalis lang ang panunuod ko sa mga kasama ko nang tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Aster ang nasa caller ID. Nagtaka ako. Hindi niya pa ako tinatawagan simula nag magkita kami at alukin niya ako ng kasal. Ni wala ngang text. E-mail lang ang lagi niyang gamit sa pagko-communicate sa akin. Kaya naman kataka-taka ang tawag na ito. Sinagot ko. "Hi boyfriend! How are you?" She giggled. Wala siya sa harap ko pero na-imagine ko ang pag hagikgik niyang iyon. Gusto kong makita ng personal. "Star, what's the matter?" Lumayo ako sa kaguluhan ng mga kasama ko pero maingay pa rin ang naririnig ko. "Where are you?" "I'm with friends. They don't believe that I have a boyfriend. Come here quickly and I'll prove them that I got a good piece of meat." May mali sa pagsasalita niya. Slurred and broken and giggly. "Are you drunk?" "Are you mad if I'm drunk, baby?" "Nasaan ka ngayon?" Nag-aalala ako. Pano kung may lalaki na naman siyang makita. Patulan niya at may makakita na ibang lalaki ang kasama niya, hindi ako. Machismis na naman siya. Para saan pang tinaboy ko si Umi kung ganoon lang din ang mangyayari. "You know L Bar where college students hang out?" Malalaman ko. "Pupuntahan kita." Bumalik ako sa mesa namin habang kinakalikot ang Google Map. Hinahanap ang way papunta sa bar na sinasabi niya. "Anong problema, Jan?" Puna ni Jon. Nakatingin din ang ilan sa mga kasama namin. "You know L Bar?" "Ah, sa may Taft." Sabat naman ng isa sa mga kasama ko. "Alis na ako." Tumayo ako sa kinauupuan ko. Humiyaw si Jon, "Boyfriend Duty!" Hindi ko na sila pinansin. Bahala na si Jon mag-explain. Pumara lang ako ng taxi. Iniwan lang kasi namin ang mga kotse namin sa office. Binanggit ko sa driver kung saan kami pupunta at sinabi ko kung saang lugar iyon base na rin kay Google. Dumating kami doon past 12mn na. Mas marami nang tao at puro nga mga kabataan ang nandito. Madilim ang paligid pero kitang kita ko kaagad si Aster sa may bar na may kausap na isang lalaking sa tingin ko ay athlete sa isang university. Lumapit kaagad ako at tumikhim. "Oh, sweetheart, you're here." Niyakap niya ako. Halos buong pwersa niya nasa akin kaya napaatras ako. Ang bigat niya. "Star, stand properly." Tumayo naman siya. Umorder ng dalawang tequila shots sa bartender. Inabot sa akin ang isa samantalang tinungga naman niya ang ang kaniya. Natawa ang lalaking kausap niya kanina pero nawala rin ang tawa niya nang makita ang masamang tingin ko. "Nice meeting you, Aster." "Same to you baby boy!" Sa pinapakita niya sa akin ngayon mas lalong nakukumpirma kong totoo nga ang sinasabi ng mga kaibigan ko sa kaniya. "Let's go home." Pagyayaya ko. "Not yet! Kakarating mo pa lang dito. And besides my friends just went to the bathroom. They want to meet you." Wala akong tiwala sa mga kaibigan niya. "Finish your tequila," Dagdag pa niya. Kinuha niya sa akin ang baso at siya na mismo ang nagpainom sa akin. Aside from whisky hindi na ako umiinom ng liquor dahil sumasakit ulo ko pagkatapos. Maya-maya pa may naghiyawan. Pinagkaguluhan ako ng mga babae. "Hep, hep! He's mine girls. Don't you dare touch him." Yeah, don't dare touch me. "Nice catch, Aster!" Sabi ng isang babaeng may malanding tingin sa akin. "Guard him or else I'll steal him from you." "Mandy, you'll fail miserably." Pagmamaya ang ni Aster na nakalingkis na naman sa braso ko. "Let's go dance, Jan." "S-sandali hindi ako sumasayaw!" Hinila niya ako sa gitna. Nakatayo lang ako habang iniikutan niya ako. Tumigil siya sa harap ko at tumalikod sa akin. Idinikit niya ang katawan niya sa harapan ko. Tapos isinukbit naman niya ang kamay niya sa ulo ko. Dahandahan niyang ginalaw ang bewang niya. Sinasadya niyang ipatama sa p*********i ko. Ibinaba niya ang kamay niya at hinanap ang aking mga kamay para i-guide ito sa katawan niya. Una sa dibdib niya pababa sa bewang niya. Doon na nanatili. May napansin ako. She was not wearing bra. Damn her! "Star, let's stop this. You're drunk, let's go home." Pasigaw kong sabi sa kaniya. Humarap siya sa akin. "Don't be a party pooper! Live your life to the fullest. If you'll die tomorrow at least you're happy right now." Pagkasabi niya noon bumagsak na siya sa kalasingan. Para akong may kargang giraffe sa likod ko habang naghihintay ng taxi sa labas ng bar. Hirap na hirap akong buhatin siya kasi mukhang nagpapabigat talaga siya. "I'm sorry Janus." Paulit-ulit niyang bulong. "It's my fault." I snorted. "Yeah, your fault so don't drink ever again. And you can live your life in peace and I'm sure you'll not die tomorrow." Walang tunog pero naramdaman kong tumawa siya. "You're right I can't die tomorrow 'cause I'm marrying you first. Maybe I can die after that." "Wag ka nga nagsasabi nang gan'yan." Saway ko. Nakakatakot kaya ang mga mga taong nag-iisip ng kamatayan. Nakasakay na rin kami ng taxi. Pilit ko siyang ginigising para sabihin sa akin kung anong unit niya. Panay, "no" lang ang sagot niya sa akin. "Star, nandito na tayo. Anong condo unit mo?" "No, I'm not going home." Nanginginig ako sa inis. Inuubos niya pasensya ko. "Manong sa White Planes na lang po." Malaki ang ibinigay ko sa taxi driver. Bukod kasi sa kung saan-saan ko pa siya pinapunta para bumili ng gamot, sinukahan pa ni Star ang taxi niya. Pagkarating sa bahay wala na akong hirap na buhatin si Star. Mukhang tulog na siya. Kung kanina parang may pasan akong dalawang kabang bigas ngayon parang kalahating kaban na lang. Magaan pala siya. Sobrang gaan. Nananadya lang siya. Sa guest room ko siya dinala. Doon ko na rin siya pinahiga. Buti na lang hindi niya nasukahan ang sarili niya kaya malinis pa ang damit niya. Kinumutan ko siya at nagpasya nang pumunta sa kwarto ko. Masakit na rin kasi ang ulo ko dahil sa tequila. "Sorry, Janus." May hikbi akong narinig matapos niyang humingi ng tawad. Napabalik ako sa kaniya. Niyayakap niya ang tuhod niya at umiiyak. Paulit-ulit ang sorry niya sa akin. "It's okay, I forgive you. Stop crying, Star." Sabi ko na lang para matahimik na siya. Dumilat siya at tiningnan ako. That looked... parang tagos hanggang sa puso ko. Parang gusto ko na ring umiyak. Sa mga mata niya kita ko ang sakit, ang pagsisisi at ang takot. "Move, I'll sleep with you." Tinabihan ko siya at niyakap. Buong gabi ata siyang umiiyak. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako. Basta nagising na lang akong maliwanag ang buong kwarto. Sa kwarto ko makapal ang kurtina kaya madilim pa rin kahit umaga na. Dito sa guest room parang nasa langit na ata ako sa liwanag. Nang maidilat ko na ng maayos ang mata ko naabutan kong tulog pa rin si Star sa tabi ko. Inuunanan niya ang namamanhid kong kamay. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko. Kinagat ko naman ang labi ko para mapigilang wag sumigaw sa sakit nang pamamanhid. "Janus?" Natigilan ako sa pamimilipit at napatingin kay Star na dilat na at parang nalilito sa nakikita niya. "Good morning?" Not sure if it was a good morning for her lalo na't paniguradong may hangover siya. Bumalikwas siya ng bangon. Nagpalinga-linga sa paligid. Sa damit niya at sa akin. "Where am I?" "Nakalimutan mo?" Pagtataka ko. Mukhang wala naman siyang hangover. Sa tingin ko nakalimutan niya lang ang pinaggagawa niya kagabi. "What happen last night? Did we do it?" Napangisi ako. Balak ko siyang pag-tripan. "You don't remember? Damn, Star! Last night was amazing." Actually torture. After the grinding she did to me, my d**k sure was hard. Buti na lang at madilim sa bar at namahinga rin siya nang magsimulang magsuka si Star kagabi. "A-amazing? So we had s*x last night that I can't remember?" I laughed on her horrified expression. "Where's my phone? I better be recording you're reaction right now." Na-realize niya sigurong nagbibiro lang ako kaya sinipa niya ako. Nalaglag tuloy ako sa kama. Hindi naman ako nasaktan kaya tumawa pa rin ako. "It's not funny!" Tumayo siya sa kama at inayos ang suot niya. "Why are you acting like you're  virgin—" napahinto ako sa pagbibiro ko. Lalo na ng makita kong parang nasaktan siya. Padabog siyang lumabas ng kwarto. Below the belt ata ang joke ko. Sinundan ko siya. Para siyang asong naligaw sa bahay ko at hindi alam kung anong gagawin niya. "Where's my shoes?" Tanong niya. Natunugan atang na sa likod lang niya ako. "Sorry, sumobra ako sa joke ko." "Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising." Tumingin siya sa akin. "Where's my shoes and what time is it?" Mukhang napatawad na niya ako. "I don't know where's your shoes and it's past 6 already." "What? May flight ako ng 8! I need my shoes!" Natataranta na siya. Ngayon ko lang siya nakitang mataranta. Kakaiba. Ang cute niya tingnan. "You know what, I'll take a bath here and borrow your shirt or something. You're room is on the second floor, right?" Umakyat na siya nang hagdan. "Wait!" Sinundan ko siya. Hindi ko na nga lang nagawang pigilan nang makarating siya sa kwarto. Nang makita niya ang cabinet ko binuksan niya kaagad iyon at tiningnan kung ano ang maisusuot niya. "This one," "Star, you're not wearing this aren't you? Inagaw ko ang hawak niya na long sleeve na may kuwelyo. Kinuha niya uli sa akin. "I'm wearing it." Naglakad siya at natuntunan naman niya ang bathroom ko. Napakamot na lang ako ng ulo. Parang joke lang ang buong gabi at umagang ito. Star inside my house acting like she was already my wife. Ayoko pa naman ng pinapakialaman ang mga gamit ko sa kwarto. Pag nandito si Umi sa guest room lang talaga siya pwede. Bumaba na lang ako ng kwarto at nagtimpla ng kape. Ako ata ang nagka-hangover kagabi. Gumawa na rin ako ng sandwich para sa aming dalawa. Paubos ko na ang sandwich ko nang bumaba siya. Nakatingin lang ako sa kaniya na tila nakakita ng multo. Medyo mukha nga siyang multo dahil ang putla niya nang wala siyang make-up pero maganda pa rin siya. Magandang multo. Mas maganda nga ata siya nang walang make-up. Kailangan niya lang siguro ng lipstick. Tapos anong ginawa niya sa damit ko? Nagmukhang tube dress. "Sandwich? Oh my gosh, Americans are the best when it comes to this." Sinubo niya kaagad nag wala man lang paalam kung sakaniya ba iyon o hindi. "You sure feel at home, huh?" "Well, if I'm going to stay here after the wedding I better start liking this place." Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Makakasama ko siyang tumira dito? Ikakasal ba talaga ako sa kaniya? "Ihahatid na kita, sa airport ba?" "Yup, papunta na doon ang secretary ko." Inabutan ko siya ng Havianas ko. Malaki sa kaniya pero mas mabuti na 'yan kaysa sa magpaa siya. Sa byahe nakaharap lang siya sa cellphone niya. May kausap din siya sa cellphone na sa tingin ko ay ang secretary niya. Sa terminal 3 ko siya binaba. May lalaking sumalubong sa kaniya. Niyakap niya ito nang abutan siya ng paper bag. Lumabas ako para ipaalalang nandito ang boyfriend niya. Hindi man kami totoo pero nakakainis pa rin kasi kung pagbawalan niya akong wag munang kitain ang kung sino mang babae tapos siya kung sino-sino kausap at may yakap pa. Nagkatitigan kami ng lalaking sumalubong sa akin. Kung makatingin talaga siya kala mo siya ang boyfriend. "Janus, nandito ka pa pala. Uh," nilabas niya ang laman ng paper bag. Sapatos iyon at kaagad niyang sinuot. "Anyway, he's my secretary Jason. Jason this is Janus my boyfriend." "Boyfriend?" Kung maka-react naman siya. "Why? Nakakatawa ka Jason. Masama bang magka-boyfriend." Ako naman ang hinarap ni Star. "Thank you for taking care of me, Janus." Hinalikan niya ako sa pisngi. Pinigilan ko siyang makalyo sa akin. Niyakap ko siya pero ang tingin ko ay sa secretary niya. "Take care," hinalikan ko rin siya sa pisngi. "Ms. Aster, mahuhuli na po tayo." Lumayo na sa akin si Star. Kumaway at pumasok na sa loob ng airport. I'm pissed off for no apparent reason. ❤️❤️ Keired's Social Media Snapchat: @kimwillbe Twitter: @keidaps IG: @keiredwp, @kimdapal (personal acc)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD