Pagkalabas ng secretary ko saka nagsimula na namang magsalita si Jon. Pag wala talaga siya sa field lagi siyang nandito para manggulo sa akin.
"Talagang effort ka sa kaniya, huh?" Puna niya. Narinig kasi niya akong inutusan ang secretary ko na maghanda ng transportation at activity sa isang island sa Batangas.
"Nasa kasunduan namin ito. Kailangan ko siyang i-date sa mga lugar kung saan niya gusto pumunta. Panggalawang date kailangan ko siya dalhin out of town. Well, I'm planning to make the second and third date together. Third date should be adventurous." Paliwanag ko. Gusto ko na madaliin ang lahat para mukha ko na ang Grants.
"Naka base ka na ba?" Tumaas baba ang kilay niya.
Nasamid ako nang sarili kong laway sa tanong niya. "Part 'yon ng kasunduan."
"Pati ang home base?" Nanlaki ang mata niya.
Binato ko siya ng ballpen. "Idiot, no."
"Eh third base?"
Sa pagkakaalala ko sa base method ng kaharap ko. Ang first base niya ay yakap. Second, kiss. Third, make-out. Home base means all the way. Nag-init ang mukha ko nang maalala sa ferries wheel. It wasn't just a simple kiss nor I can't call make-out. It was in between.
"Holy cow! Third base! Kasama rin ba ito sa kasunduan ninyo?" Nag-assume na siya nang wala akong sabihin.
"7pm na, umuwi na tayo." Pag-iiba ko ng usapan. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagsimula nang magligpit.
"Sige ganyan ka. Mapapaamin din kita. I need details." Ginaya niya ang toni ng boses ko pag nagmamando ako sa trabaho.
***
Maaga pa lang nasa tapat na ako ng condo niya. Sinusubukan ko siyang tawagan pero mukhang tulog pa siya. Sabi ko naman sa kaniya na maaga kaming aalis.
"Manong, susubukan kong puntahan siya sa room niya. Mag-park ka muna." Sabi ko sa driver namin bago ako bumaba.
Sa front desk tinanong ko kung saan ang room ni Aster Azurin. Masama ang tingin nila sa akin ng banggitin ko ang pangalan niya.
"Umalis na kayo." Pagmamaldita ng officer.
"May lakad kasi kami. I can leave my ID here just to make sure that I'm not doing anything." Nilabas ko ang driver's license ko.
Tatlo silang dumungaw sa ID ko. 'Yung isa janitor pa na nakikisawsaw lang sa usapan. "Kayo po si Janus Miles?"
Obviously, nakikita naman nila sa ID ko.
"Ikaw pala ang boyfriend ni ma'am Aster." Ngumiti na sila sa akin. "Lagi ka niyang kinukwento sa amin. Buti naman at nakahanap na siya ng boyfriend. Dati kasi ang daming umaaligid sa kaniya. Araw-araw may nagtatangkang mapasok siya sa unit niya kaya ganito kaming masungit pag may naghahanap sa kaniya."
"Pero dahil ikaw ang boyfriend niya, Unit 2509." Sabat naman ng isa pa.
"Thanks," pumanik na kaagad ako para puntahan ang room niya. Sinubukan ko mag doorbell. Sinigaw ko na rin ang pangalan niya. May mga kapitbahay na nga siyang nagbukas ng pinto dahil akala nila sila ang kinakatok.
"Aster open the door."
Bumukas ang pinto. "Aster," ulit niya sa tamang pronunciation.
"Usapan 4am 'di ba? Bakit nakapambahay ka pa rin?" Nasuot siya ng nighties. Sexy nighties, halos lumuwa na ang dibdib niya sa suot niya ang kaso hindi siya sexy ngayon. Parang haggard.
"4am na? s**t!"
Pinigilan ko siya sa pagmamadali niya. Hinawakan ko ang noo niya. Tama ako ng hinalang may sakit siya.
"Wag na tayo tumuloy. Nilalagnat ka."
"No way!" Hinablot niya ang kamay niya sa pagkakahawak at nagmamadaling pumasok sa kwarto niya. Hindi niya ako pinapasok. Talagang sinara niya pa ang pinto ng unit niya. Buti na lang wala pa atang five minutes tapos na siya. Wala nga lang make-up kaya ang putla na naman niya. Mas lalong maputla ngayon dahil may sakit siya.
"Are you sure you want to go?"
Tumango lang siya sa sagot ko.
Sa byahe namin nasa sulok lang siya. Nakasandal ang ulo sa bintana at natutulog. Three hours din ang byahe namin pero ni isang salita wala akong narinig sa kaniya. Mukhang masama talaga ang pakiramdam niya.
"Manong ano kaya kung sa Suns Resort na lang tayo magpunta? Mukhang hindi kakayanin ni Star."
Isa ang Suns Resort sa pagmamay-ari ko. Dating asawa ng Hapon ang may-ari nito. Binili ko lang ito ng malulugi na sila. Maganda ang lugar at high class. Sadyang wala lang talaga silang marketing strategy sa resort na ito kaya nalugi. So far ngayong hawak ko na siya, ginawa kong para lang ito sa mga platinum members ng hotels ko. Mas ginawa kong high class ang service kaya naman kahit papano ay dinadayo na siya. For a year umaabot sa 10 million ang revenue kahit na nasa 300 families lang ang pumupunta.
Sumalubong sa amin ang isang bellman. Nakilala niya ako kaagad kaya mas lalo pa siyang nataranta. Tinanong niya ako kung kailangan ko ng wheelchair.
"No need, pakidala na lang ang mga gamit namin na nasa compartment."
Sinunod niya ako.
"Star, nandito na tayo."
Napadilat siya at umastang walang sakit. Nawala rin ang pagka-hyper niya ng makita ang resort. "Adventure, dito sa high class resort?" Alam niyang gusto kong pag-isahin na lang ang first at second date namin.
"You're sick, hindi mo kakayanin ang mga activities na hinanda ko. Dito na lang tayo. Pag gusto mo mag-swimming, snorkeling o kaya jet ski meron kami. May tour package din kaming island hopping. Gagawin natin 'yan pag okay ka na."
Ang plano ko sana ay mag island hopping at doon sa Fortune Island kami magka-camping kaso ayoko naman siyang pilitin. Baka lumala pa ang sakit niya.
Sa Presidential Suite kami pinatuloy. Sabi ko kasi hindi na namin kailangan ng Villa dahil dalawa lang naman kami.
"I'm going to sleep for about an hour or two. I'm not a morning person that's why I feel sick." Pumasok siya sa isang kwarto at natulog.
Ako naman walang magawa kaya ginamit ko na lang ang jacuzzi sa may balcony. Nandito na rin naman ako, i-enjoy ko na. Napatugtog din ako sa cellphone ko hanggang sa makatulog ako.
Naka-isang oras din ata akong nakatulog. Kulubot na ang balat ko. Papunta na sana ako ng bathroom nang may narinig kong sumusuka sa loob. Bukas ang pinto kaya nagpatuloy na ako sa pagpasok. Nilapitan ko siya at hinimas ang likod. Hinawakan ko rin ang buhok niya.
Sa pangalawang pagkakataong kasama ko siya, sumusuka na naman siya. Iba nga lang ngayon kumpara noong una na parang gusto ko na siyang iwanan sa kalat niya. Ngayon kasi may sakit siya at talaga namang parang mamamatay na siya sa pagsuka.
"Mag mumog ka na." Binuksan ko ang gripo para maawas na rin ang suka sa lababo.
Sinunod niya ako. Pagkatapos nakatayo lang siya doon na parang lantang gulay.
Sa awa ko binuhat ko na siya. Kung magaan siya noong huli ko siyang buhatin, mas magaan siya ngayon. Wala naman na ata kasing laman ang tiyan niya.
Pagkalapag ko sa kama kaagad akong kumuha ng basang towel at tinawagan na rin ang room service para magpa-deliver ng soup at gamot. Pagbalik ko sa kaniya ipinatong ko ang towel sa noo niya. Kinumutan ko na rin siya.
"What a date," napabulong ako sa sarili ko.
"Adventure, right?" Sumabat naman siya. Kala ko tulog.
"Sana nagpahinga ka na lang sa bahay mo."
"At least dito may mag-aalaga sa akin."
Kumunot ang noo ko. "Wala ka bang katulong o kaya kamag-anak na kasama?"
"I practically live on my own since I was 8."
"Kaya na ba ng 8 years old ang mabuhay mag-isa?" Ako nga nawala si nanay ng 10 kaya kinupkop ako ng mga tita ko. Pinilit ko lang noong makapunta sa US para makipagkita kay dad at tulungan niya ako sa pag-aaral ko.
"s**t happens to my parents. My lolo took me in his house but he's always away. May mga katulong pero hindi pa ako masyadong friendly noon kaya pag may kailangan ako, sariling sikap talaga. Saka lang ako nagging friendly ng mag-aral ako ng college sa London kung saan nag-aral ang mga parents ko. Mas independent life nga lang doon kasi ako lang mag-isa."
Kaya siguro siya paboritong apo ng lolo niya dahil bata pa lang pala kinupkop na siya ng lolo niya. Hindi ko naman inaasahang may pagkakahawig kaming namatayan ng mga magulang ng mga bata pa kami at pareho kaming nanirahan sa ibang bansa.
"When Lolo got sick I officially went back to the Philippines and took care of him. Mas naging bahay ko ang ospital kaysa sa mansyon ng lolo ko. For four years nilabanan niya ang sakit niya habang tinuturuan niya ako kung pano magpalakad ng Grants."
"Do you like Grants Inc.?"
Sandali siyang nanahimik pero tumango rin.
"Bakit mo ibibigay sa akin lahat ng shares at dalawa sa hotel mo sa akin?" Pagtataka ko lang.
"Like I told you, this is for fun. At kahit na ibigay ko sayo ang mga shares mo, sa akin pa rin naman 'yon dahil kasal tayo."
Ito na naman ang fun niya. At may punto siya sa sinabi niya. Kung walang prenuptial agreements lahat nang kaniya magiging akin. Lahat ng akin magiging kaniya. May balak ba siyang angkinin ang kumpanya ko? Imposible. 'Di hamak na mas malaki ang shares niya sa Grants kumpara sa kabuuhan ng kumpanya ko.
Grants Inc is a hotel chain all over the Philippines solely owned by Azurin family. Ni isa sa hotels nila walang na bankrupt ayon sa aking napag-alaman. Ngayon, binabalak pa nila ang expansion outside the country.
Buti na lang dumating ang order ko kaya natigilan ako sa pag-iisip ng business at sa kung anong klaseng fun ang gusto ni Star.
Speaking of Star, kaya naman niya kumain mag-isa pero nagpasubo pa sa akin. Pati paghawak lang ng baso hindi niya raw kaya. Ang sakit niya sa ulo.
❤️❤️
May lilinawin lang po uli ako. Instead na apat na dates ginawa kong lima ang dates nilang dalawa. Tapos Janus po ang pinalit ko sa name ni Pax. So pag may Pax pa ring naiwan, pasabi na lang po sa comment box para mabago ko. Salamat
This chapter is dedicated to pia_carleen