Me: Feeling well?
Eto ang unang beses na tinext ko siya. Lagi naman kasi kaming e-mail pero sa unang pagkakataon gusto ko siyang makausap kung ayos lang ba siya. 'Yung huli kasi naming date nasa loob lang kami ng room. Kinagabihan inuwi ko na rin siya. Dapat dadalhin ko pa siya sa ospital pero umayaw siya. Trangkaso lang daw.
Kaya heto ako ngayon at nais malaman kung magaling na ba siya at nakabalik na ba siya sa trabaho.
Aster Azurin: JGH from Hong Kong.
Me: HK right after you got sick?
Malala rin talaga ang babaeng 'to. Naniniwala ako sa binat at sa tingin ko pag pinagod niya ang sarili niya baka bumalik ang sakit niya.
Aster Azurin: I'm fine as a carabao. And this is an important meeting for Grants expansion.
Me: you're more like a camel. so you're responsible for Grants expansion?
Aster Azurin: yup. some of my uncles are against it but I'm the boss so they can't stop me.
Me: well you got a bright idea for that.
Si Star pala ang may kinalaman sa bali-balitang expansion. Wala sa itsura niyang businesswoman siya. Para lang siyang model ng Grants. Napaka-judgmental ko naman sa kaniya.
Aster Azurin: hey, where are you?
Me: about to go home. don't text me I'm driving.
Aster Azurin: ikaw kaya unang nagtext.
Hindi ko na siya ni-reply-an. Nagmaneho na ako ng maayos. Huminto muna ako sa isang restaurant para bumili ng pizza bago umuwi.
Pagkarating ko sa tapat ng bahay ko may pulubi na namang nakikisilong. Ayos lang naman sa akin pero minsan nakakatakot din na baka akyat bahay pala.
Pinindot ko ang open button ng garage ko. Nagulat 'yung pulu— Star? Kala ko pulubi na naman. Nakaitim kasi siyang damit tapos may mga plastic na dala. Nakatalungko pa siya nang abutan ko.
Tumayo na siya ng maayo. Tayong parang model. Kumaway at ngumiting sa akin na parang miss universe. Malayo siya sa isang pulubi.
Binuksan ko ang bintana ko. "Why are you here?"
"Visiting my love. And I bought some food from Hong Kong."
Ipinarada ko ang kotse at saka siya tinawag papasok sa bahay ko.
Dumiretsyo siya sa kusina at kinalikot na ang mga gamit ko. Kumuha siya ng mga plato at pinagsalansan lahat ng dala niya. May tea pa siyang dala.
"Bumili rin ako ng pizza." Sabi ko sabay patong ng box ng pizza.
"Perfect, let's eat?"
Sa pagkain namin pinakwento ko siya sa ginawa niya sa Hong Kong. Sabi niya naghanap daw siya ng mga local investors. Medyo mahirap daw kasi monopoly ng isang malaking tao ang hotel industry doon. At ayaw nilang pumayag ng maliit na shares lang. Binabalak nga raw niyang lumipat sa Macao kaso panibagong business plan at presentation na naman daw iyon. Gusto niya lang daw ipagpatuloy ang nasimulang project ng lolo niya bago ito mamatay.
May iba sa kaniya pag Grants ang pinag-uusapan. Nagliliwanag ang mukha niya at mas lalo siyang dumadaldal. Sobrang layo sa poise, intimidating at pa-demure na nakilala ko noong una.
"Are you listening?" She asked.
Nakikinig naman ako noong una kaso parang nagiging blurred 'yung sinasabi niya. Nagiging parang huni na lang ng ibon.
"You're not listening," hindi na patanong ang sabi niya. Nakakunot na rin ang noo niya.
"I'm listening." Saad ko. "I'm just wondering why are you spilling all this details to me."
"Because, you're going to be my husband,"
Natigilan ako sa sinabi niya. Husband. Parang ang weird lang na tawangin akong husband.
"And you'll be handling all of this after we get married." Dagdag niya pa.
"I'm sorry but I still can't believe we're doing this just for you to have some fun. You love Grants that much then why—"
"Hindi ba ako pwedeng maging masaya?" Kalmado niyang tanong pero nakatikom ng todo ang mga labi niya.
"You can but that reason is to shallow for me. Unless..."
"Unless, what?"
"You love me?"
Napatayo siya sa kinauupuan niya. "Don't you ever cross that line, Miles. If you don't want Grants then fine." Kinuha niya ang coat niya at nagmamadaling lumabas ng bahay ko. Hindi nga lang siya makalabas dahil naka-lock ito at nandito sa loob ang button para mabukas ito.
Bumalik siya na galit. "Open your gate."
"Nagbibiro lang ako, Star." Natawa na ako para mapagaan ang sitwasyon. Totoo namang hindi ako seryoso. Na-offend pala talaga siya sa sinabi ko.
Okay, siya nang hindi ako mahal.
"It's not funny," tikom na tikom ang bibig niya habang binibigyan niya ako ng masamang tingin.
"Sorry na joke lang. Tapusin na natin ang pagkain. May wine din akong nakatabi dyan na pwede nating inumin."
Ilong naman niya ang kumunot. "Wine? I guess that will do." Tinulak niya ako para makapasok siya sa bahay. Tuloy-tuloy siya sa dinning at umupo uli para kumain.
Tahimik na siya ngayon. Sunod-sunod lang ang pagkain niya at ang paglaklak niya ng wine na inilalagay ko sa baso niya.
"Mahal 'tong wine. Kahit papano sana damahin mo ang lasa."
Dedma lang siya sa pagbibiro ko uli. Mukhang hindi na ako uubra ngayon.
Napakamot na lang ako ng ulo ko at kumain din.
Matapos kong simutin ang huling patak ng wine, saka ko lang na itinuon ang atensyon ko sa kaniya. Nakapangalumbaba siya sa mesa habang patango-tango.
"Star?" Baka kasi pagod na siya at kailangan na niyang umuwi.
"Uhm?"
"Gusto mo na ba—"
Bumagsak ang ulo niya sa mesa. Buti na lang natanggal na niya ang plato sa harapan niya.
Lasing na naman po siya o sadyang pagod lang?
"Star, wake up." Niyugyog ko ang balikat niya.
Pagkaangat niya ng ulo tumayo siya kaagad at nagpaalam na uuwi na. Naglakad siyang pagewang-gewang. Dinaig pa ang zombie.
"You can't go home like that." Masalo ko siya nang muntikan na siyang sumubsob.
"May meeting pa ako bukas."
"Dito ka na lang matulog." Tulog na siya. Gusto niya pang umuwi nang lagay na 'to?
Binuhat ko siya at dinala sa guest room ko. Kinumutan ko siya at nilagyan ng isang basong tubig at Advil sa side table. Paalis na sana ako pero natinig kong may sinabi siya.
"I hate you." Paulit-ulit niyang sinabi. Noong nakaraan humihingi siya ng sorry sa akin, ngayon naman galut siya sa akin.
Hindi na niya ako mahal. Hate niya ako. Dahilan ba iyon para pakasalan ako? May dapat ba siyang ipaghiganti sa akin? May nagawa ba akong mali?
I have to say sorry to her because I won't back out now. I'll make sure na hindi ako magdudusa pagdating ng panahon. So far kaya ko pa naman siyang kontrolin. Kontrolado ko pa rin naman ang buhay ko. Mapapasakin din ang Grants.
And I'll make her at least like me.
***
Ginising ko siya bandang alas siyete ng umaga. Ayaw niya pa bumangon pero nang sabihin ko ang oras para siyang robot na bigla na lang sinaksak sa plug nang naka-on kagad ang switch.
"Bakit hindi mo ako ginising ng maaga!" Kumaripas siya ng tayo at natataranta.
Parang naulit na 'to.
"Malay ko bang mas maaga ka dapat gisingin. 9 pa naman ang pasok ko. Kala ko same lang sayo."
"Pero uuwi pa ako." Nahanap niya ang sapatos niya sa ilalim ng kama.
"May naiwan kang damit dito baka pwede mo nang gamitin?"
Nanlaki ang mata niya. "You're heaven sent! Asan na?"
Kinuha ko sa cabinet at ibinigay sa kaniya. Pagtingin niya ng damit ngumiwi ang bibig niya.
"Too revealing,"
Noong suot niya nga ang damit na 'yan halos wala na siyang itago. Actually nakita ko ang undies niya noong gabing 'yon.
"Ulitin mo na lang ang suot mo." I suggested. Napapaisip ako kung bakit parang nagiging fashion guru ako pagkasama ko ang babaeng 'to.
"I can wear my skirt again but not my blouse! Pinagpawisan ako ng sobra kahapon kakahintay sayo."
So ako ang may kasalanan.
"May idea ako." She exclaimed. "Pahiram ako ng sandong katulad niyan." Turo niya sa suot ko ngayon. Naka-pants na ako pero hindi ko pa sinusuot ang long sleeves ko kasi mag-aalmusal pa ako.
"Anong gagawin mo?"
"Just hand it to me."
Pagkabigay ko sa kaniya nagpunta na siya sa bathroom. Ako naman sa kusina at gumawa ng sandwich. Dalawa uli ang ginawa ko para sa kaniya ang isa. Naaalala ko rin ang reaction niya noong gawan ko siya ng sandwich kaya mas sinarapan ko ngayon. Wheat bread, aioli, lettuce, tomato, onion at turkey ham.
Inunahan ko na siyang kumain kasi mukhang matatagalan pa si— what the hell!
She walks out of the room wearing my sando like it came from a female section in mall. Naka-tuck in ito sa high waste na palda niya. Actually hindi talaga ang suot niya ako napatingin. Sa dibdib niya ako napatingin. Dahil nakatali ang buhok niya kitang kita ko talaga ang perpekto nitong hugis kahit walang pang-ilalim na damit.
Shit I can see her n*****s!
"Turkey club?" Excited siyang lumapit sa akin. Sa sandwich pala at sinubo ito.
Buti na lang sa iba siya nakatingin kun'di mabubuking akong tinitingnan ang boobs niya. Bakit ba ang hilig niyang hindi magsuot ng bra?
"You're the best, Janus! But I like tea with this."
Naging server na niya ako. Sinunod ko siya hindi dahil gusto ko kun'di para maiwasan kong tumingin. Pagbalik ko sa harap niya hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Are you sure you're wearing that?"
"Yup, got no choice." Ngumunguya pa siya.
"But your not wearing undies."
Natigilan siya sa sinabi ko at napangisi sa akin. Ang ngiti niyang yan ang nagpapakaba sa akin. May balak na naman siyang akitin ako.
Which is difficult for me right now.
"Yup, no undies all the way."
Damn her!