Sarah "Dada... Dada..." nagising ako sa umaga dahil sa tinig ni Johan na tinatawag si Josh. Kahit sa panaginip niya ay si Josh pa rin talaga ang hinahanap nito. Masyado siyang malapit kay Josh at alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Inaantok na nagdilat ako ng mga mata at hinaplos ang likod niya. Ilang haplos pa lang ang nagagawa ko ay tila ba kumalma na ang anak ko dahil wala na akong narinig pang sinabi niya. Lumingon ako sa likod ko at hindi na nakita doon si Josh. Inaantok na tumingin ako sa orasan at kahit na pipikit-pikit pa ay naging malinaw pa rin sa mga mata ko kung anong oras na. Alas kwatro pa lang ng umaga. Maaga pa pero wala na sa tabi ko si Josh. Maaga pa pero alam kong nasa baba na si Josh at nagsisimula nang mag trabaho sa kanyang restaurant. Kung ano ano ang