Sarah Kinagabihan ay maagang iniwan ni Josh ang kanyang restaurant para samahan kami ni Johan sa taas. Magmula kasi nang nagising ang anak ko at dahil na rin sa panaginip niya ay ayaw na niyang mawala pa sa paningin niya ang kanyang Dada. Ramdam ko ang pagkabalisa ng anak ko sa panaginip niyang may kukuha sa kanya at ilalayo siya sa amin. Alam ko na nahahalata rin ni Josh ang kakaibang galaw ng aming anak kaya hindi niya ito magawang iwanan. Madalas ay lagi kaming magkasamang matulog sa aming kama. Palagi ay nasa gitna naming natutulog si Johan kaya sa loob ng anim na taon magmula nang dumating siya sa buhay namin ay halos yakap at halik lang sa mga labi ko ang tanging nagagawa ni Josh. Isa sa mga katangian niya na minahal ko dahil totoong nag pukos siya sa pag-aalaga sa anak k