Jonas Anim na taon na ang lumipas magmula nang magkaletse- letse ang buhay ko. Akala ko no'ng una ay ayos lang dahil naisip ko na mapapatawad din ako ni Papa kahit na hindi ko pa matupad ang kahilingan niya. Pero sa paglipas ng mga araw, buwan at higit sa lahat ay ang paglipas ng taon ay lumala pa nang lumala ang sama ng loob niya sa akin. Hindi nawala ang galit ni Papa sa akin at mas nadagdagan pa iyon nang malaman niya na sa kwarto ko pinatulog si Trina minsan. Mahirap mamili sa pagitan nila dahil mahal ko ang b***h na 'yon. Hindi ko naman basta-basta na lang masusuway si Papa dahil kalusugan niya ang nakataya at ang relasyon namin ng kapatid ko. At para hindi na madagdagan pa ang galit nilang dalawa sa akin ay muli kaming bumalik sa dati ni Trina. Naging lihim ang aming pagkikit