Jonas Kinailangan kong mag half day lang sa kumpanya dahil hindi rin kakayanin ng katawan at ng isip ko ang mag trabaho. Kahit na ramdam ko nang bumalik na sa katinuan ang isip at kaluluwa ko ay hindi pa rin iyon gumagana ng matino dahil na rin sa tama ng alak. Ramdam ko ang tama ng alak dahil sa dami ng nainom ko pero pilit kong inaayos ang aking sarili dahil nasa paligid lang ang anak ko. Siya na lang ang tanging pag-asa ko para manatili pa sa puder ko ang Mama niya kaya dapat lang ay maging maganda akong impluwensiya para sa kanya. Ayaw kong dumating ang isang araw na isusumbat sa akin ni Sarah ang lahat ng kamalian ng anak ko. "Jonas, alam ko na walang imposible para sa'yo. Hindi mo man sabihin pero alam ko na alam mong palagi siyang tumatawag sa akin. Alam ko rin na nagt