Jonas Maaga akong umuwi nang hapon iyon dahil sabik na sabik na akong makita ang mag-ina ko na naghihintay sa akin sa bahay. Sa subrang pagmamadali ay halos hindi na ako nag pahinga para lang madaling matapos ang trabahong naghihintay sa akin. Kahit tambak ang papel sa aking harapan ay nagawa ko pa rin tapusin iyon dahil sa ganadong ganado ako magtrabaho sa puntong iyon. Hindi ko alam kung anong mayro'n at subrang na miss ko ang aking asawa at ang anak ko sa buong araw na iyon. Lagi ko naman sila namimis pero talagang kakaiba ang tama ko sa araw na iyon. "Two box of pizza, please," nakangiti kong saad nang huminto kami sa may pabilhan ng pizza sa gilid ng kanto. Napapatingin ang mga crew sa mga lalaking nakabantay sa akin at saka ako naman ang babalingan ng kanilang tingin na para bang