Sarah Kinaumagahan, pag gising ko ay wala na sa tabi ko si Jonas. Dalawa na lang kami ni Johan na natira sa kama. Inaantok ang mga mata kong sumulyap sa may bintana at sa puntong iyon ay bahagya pang tinangay ng hangin ang kurtina kaya napagtanto ko na madilim pa sa labas. Maaga pa kaya alam kong nandito pa si Jonas. Hindi naman kasi ugali no'n ang umalis at maagang pumasok ng trabaho. Kadalasan ay umaalis ito ng alas nuebe ng umaga. At mga ganitong oras ay nakagawian na niyang mag jogging upang magpapawis. Inaantok pa ang mga mata kong bumaling sa anak ko na sarap na sarap pa rin sa pag tulog at masuyong hinalikan ito sa kanyang noo. Kapagkuwan ay kinusot ko muna ang papikit-pikit kong mga mata bago nag pasyang bumaba sa kama at kaagad na nag tungo sa banyo. Natawa na lang ako habang na