Sarah "Mama, tumatawag si Dada," pasigaw na saad ni Jonas mula sa labas ng banyo. Kasalukuyan akong naliligo at siya naman ay nasa ibabaw ng aming kama at mag-isang naglalaro. Kanina pa sila naglalaro ng kanyang Lolo at ngayon ay oras na ng pahinga nito kaya nandito siya ngayon at ako naman ang hinihintay niya para makipaglaro sa kanya. "Nandiyan na ako," pasigaw rin na sagot ko. Mas binilisan ko pa ang pag ligo at nag mistula pang hinahabol ang bawat galaw ko. Nang maisip na ilang sandali na lang ay nandito na rin at pauwi na si Jonas ay mas binilisan ko pa ang pag ligo. Hindi ko balak na mag lihim kay Jonas pero ayaw kong madatnan niya na tumatawag si Josh. Alam kong napapraning na siya at idagdag pa na pagod ito mula sa trabaho kaya ayaw ko nang dagdagan pa ang mga iniisip niya. "An