Sarah Magmula kahapon nang sabihin ko kay Jonas ang tungkol sa biglaang pag tawag ni Josh ay bihira na lang ako nitong kibuin. Hindi ko maintindihan ang inaasal niya dahil hindi naman siya malamig kung makitungo sa akin. Sadyang naging tahimik lang ito at tila ba malalim ang kanyang iniisip mag mula ng gabing iyon na mag-usap kami. Sa hinaba-haba ng pinagsamahan namin ni Josh ay wala naman akong nakikita na masama sa biglaan na pag tawag nito para hiramin si Johan upang makasama ang anak ko. Sa loob ng anim na taon ay nakita ko kung paano niya inalagaan at minahal ang anak ko. Alam kong naalala lang niya si Johan at nangungulila sa presensiya ng bata lalo pa at mag-isa na lang ito sa buhay. Kung ako lang ang tatanungin ay hindi ako magdadalawang isip kung siya ang makakasama ng anak ko