Jonas Magmula ng gabing iyon nang makita ko ang pulubi na may kakaiba sa kanyang aura na nadaanan namin sa may lansangan ay hindi na ako pinatahimik ng kabang namutawi sa dibdib ko. Kahit nakabantay na ako kay Sarah ng halos buong araw maging hanggang sa oras ng pag tulog nito ay hindi pa rin nawawala ang kaba sa sistema ko. Talagang kakaiba ang takot na naidulot ng mga titig nang sino mang taong iyon sa lansangan. Nang gabi rin iyon ay hindi ako dinadalaw ng antok sa subrang pag-aalala dahil hanggang sa puntong iyon ay hindi ko pa rin nakaka- usap o naririnig man lang ang tinig ni Johan. Alam ko naman na wala akong dapat ipangamba dahil alam kong hindi pababayaan ni Papa ang anak ko pero hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng kaba. "Huwag ka lang magkakamaling saktan ang asawa at a