Jonas Walang pag lagyan ang aking tuwa habang nakatitig sa mukha ng asawa ko na payapang natutulog sa aking tabi. Marahil ay subra naming na miss ang isa't isa upang abutin ng dilim ang pag angkin sa bawat isa. Sa ilang oras na muli kong naramdaman ang init ng katawan niya ay nagpapasalamat ako sa aking mga magulang dahil hindi nila pinakawalan ang anak ko. Hindi ko alam kung saan nila dinala si Johan dahil nang inilabas ko sa opisina ni Papa si Sarah na nawalan ng malay ay hindi ko rin narinig ang tinig ng anak ko. "Napagod yata kita ng subra, babe. Sorry, na miss lang talaga kita," may ngiti sa labi na bulong ko kausap ang natutulog kong asawa. Marahan na humaplos ang palad ko sa pisngi niya at saka hinalikan siya sa kanyang noo. Mabilis akong gumalaw at bumaba sa kama ng marini