Sarah Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Napatingin ako sa nakabukas na bintana at saka mapait na ngumiti. Alam ko na kanina pa gising ang asawa kong si Jonas dahil naka- ugalian na nitong buksan ang bintana pagkagising niya. Iyon ang unang-una na ginagawa niya pagkamulat pa lang sa umaga para pag masdan ang ganda ng umaga na hindi niya nakikita sa akin. Napangiti ako nang makita ang katawan ko na walang saplot sa ilalim ng kumot pero kaagad din nawala ang ngiting 'yon nang makita ang pulsuhan kong namumula. Nagiging marahas na sa kama si Jonas sa mga nagdaang linggo pero hinahayaan ko na lang siya sa lahat ng gusto nitong gawin sa akin. Tinatanggap ko kung ano man ang kanyang mga ginagawa sa akin kahit na minsan ay nasasaktan na ako ay hindi ko pa rin magawang ma