"Tiyak na mawawala ka sa iyong balanse at ritmo kung susubukan mong habulin ang bilis nitong mundo. Tiyak na mawawala ka sa iyong sarili kung patuloy mong ikukumpara ang sarili mo sa ibang tao at kung patuloy mong iasa sa kanila ang paglalakbay mo. Magkaroon ka ng sarili mong lakad at sumulong ka sa sarili mong bilis. Humugot ka ng lakas sa sarili mong hakbang kahit ito ay mabagal lang. May sarili kang oras. May sarili kang daan. May sarili kang panahon kaya huwag mong ibahin ang sarili mong ruta dahil lang sa naiiba ito sa nakakarami. Hindi mo kailangan makipag-unahan. Hindi mo kailangang maghabol. Hindi mo kailangang makipag- karera. Hindi ka huli sa iyong tagumpay. Lagi mong tandaan na lahat tayo ay may sariling tiyempo at may oras para sa ating inaasam na panalo. Kung hindi