Sarah Halakhak ni Johan na para bang kinikiliti ang bumungad sa pandinig ko pag bukas ko pa lang ng pinto. Nauna lang siya ng ilang minuto sa akin dahil nag-usap pa kami ni Josh sa may kalayuan ng mansyon ng mga Alcantara. Ayaw niya ng gulo kaya minabuti na lang nito na hindi na rin tumuloy pa. Ayaw ko rin na magkita pa sila ni Jonas dahil kung ano pa ang isipi ng isang iyon. Makitid pa naman ang isip no'n. Iyon nga lang may naging mahirap at malungkot ang pagpapaalam namin sa isa't isa. Kahit masakit at mahirap para sa kanya, sa pangalawang beses ay nagawa niyang bitawan at palayain ako. Sa pangalawang beses ay nagpa-ubaya ulit siya sa kaparehong tao, kay Jonas na walang ibang ginawa kung hindi ang samantalain ang pagmamahal ko at saktan ng paulit-ulit ang puso ko. Naatim pa n