Jonas Sapat na ang isang buwan upang mapagtanto ko kung ano ang nararapat kong gawin. Alam kong humingi ako ng anim na taong palugit kay Papa para sa paghihiwalay namin ni Sarah, pero ngayon ay buo na ang pasya kong tuluyan na siyang bitawan. Pagod na akong umasa na babalik pa sila sa akin. Ang mahalaga ay hindi ako basta sumuko na lang ng walang ginagawa. Sinubukan ko ang lahat ng pwede kong gawin para bumalik siya sa akin pero sadyang huli na ang lahat. Hanggang dito na lang siguro ang kwento ng buhay ko na kasama siya. Hindi man sang-ayon si Papa sa desisyon ko pero wala naman siyang ginagawang pagtutol. Sa loob ng isang buwan ay isang beses lang tumawag si Sarah sa kanya para ipaalam ang kalagayan ng anak ko. Kahit na may itinalagang tao si Papa para magbantay sa kanila ay hind