Jonas Isang linggo ang lumipas na wala ang bakas ng aking asawa at ng anak. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang bumangon sa bawat umaga na punong-puno ng pananabik, pangungulila at pag-aalala. Basta na namalayan ko na lang na lumipas na ang loob ng isang linggo na wala sila sa paligid. Mahirap sa umpisa pero kinaya ko pa ring harapin para sa ikaliligaya nila. Sa loob din ng isang linggo ay itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa trabaho. Subsob sa responsibilidad dahil kinailangan din magpahinga ni Papa dahil umaatake na naman ang sakit nito sa puso. May mga gabing gustong-gusto ko nang hingiin kay Papa ang numero ni Sarah ngunit mabuti na lang at napigilan ko rin ang aking sarili. Naging abala ako sa trabaho at halos wala nang pahinga pa pero mas okay na rin iyon dahil