Jonas Nakakatakot pala ang mag mahal. Pagdating sa larangan ng pag-ibig ay maaring mong maramdaman ang maging espisyal, mararanasan mo ang mag mahal at kung paano mahalin. Pero sa larangan din ng pag-ibig ay mararamdaman mo rin kung paano maging ordinaryo, mararanasan kung paano hindi magawang suklian ng iba ang pagmamahal na iyong inaalay at mabigo sa isang iglap. Nakakatakot man sumugal at masaktan pero hindi mo masasabing totoo kang nagmamahal kung hindi mo sinubukan. Ngayon ko higit na napatunayan sa aking sarili kung ano nga ba talaga ang totoong halaga ng aking asawa. Ang babaeng minahal at itinuring akong mundo niya ay nasaktan ko ng paulit-ulit. Nawala siya sa buhay ko at iniwan ako nang dahil sa mga kasalanan ko. Ngayon na naghilom na ang sugat na naidulot ko ay heto ako a