Jonas "Babe, pinapalaya na kita. Maawa ka, huwag mo naman akong pahirapan ng husto," mapait na sambit ko sa kawalan ng muling marinig ang tinig niya na tinatawag ang pangalan ko. Muli kong tinungga ang bote ng alak at mas lalong nagpakalunod. Marahil sa subrang kalasingan ay kung anu-ano na ang naririnig ko. Ilunsyon ko lang ang lahat ng iyon. Kahit anong kumbinsi ang gagawin ko sa aking sarili, talagang ang hirap tanggapin na palalayain ko na siya. Hindi ko maatim na makita siya sa piling ng iba pero dahil nasaktan ko siya ay iyon na lang ang naiisip kong gawin para tuluyan na siyang maging masaya. Mahirap tanggapin pero pipilitin kong kayanin. Hindi ko na mabilang kung ilang bote na ng beer ang naubos ko habang patuloy na nagpapakalunod. Akmang bubuksan ko ulit ang isa pang bote