Jonas "Ugh, shit..." mahinang daing ko pagkagising sa umaga. Mariin akong napahawak sa ulo ko at napasabunot pa sa aking buhok nang maramdamang mas sumakit pa iyon nang sinubukan kong gumalaw. "Papa, ayos ka lang po," narinig kong tanong ng matinis na boses. Naramdaman ko ang pag-aalala sa kanyang tinig kaya kahit kumikirot pa ang ulo ko ay napangiti pa rin ako. Hindi ko agad napansin ang presensiya niya sa aking tabi habang naglalaro ng kanyang sasakyan. Napalinga ako sa paligid para hanapin ang kanyang Mama dahil tanging kaming dalawa ng anak ko ang nasa kama, kunot ang noo kong napatingin sa pader kung saan nakasabit ang malaking orasan. "Shit..." mahinang mura ko nang makitang alas nuebe na iyon ng umaga. Doon pa lang tumuon ang mga mata ko sa bintanang nakabukas na at tina