Sarah Naiwan akong tulala at naka-awang ang bibig nang tuluyan ng lumabas ng kwarto si Jonas. Hindi ko napigilan ang mapa-irap nang mawala na siya sa paningin ko. Nanggigigil kong ibinato ang hawak kong unan at gumawa iyon ng mahinang ingay nang tumama sa pinto. "Ugh, walang hiya ka. Ikaw pa ang may ganang tumalikod? Ikaw pa ngayon ang galit," nanggigigil kong sigaw kahit na alam kong hindi na niya maririnig pa. Mabilis kong tinapos ang pag-aayos ng kama pagkatapos palitan at ayusin ng mga kalat niya kagabi. Ang walang hiyang lalaki ay naglasing ng subra hanggang sa nakatulog na ng mahimbing pagkatapos sumuka ng sumuka. Ngunit kalaunan ay nanghihinang napa-upo ako sa malambot na kama at pabagsak pang humiga doon nang maglaro sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung ano a