Sarah Katulad ng sinabi ng Ama ni Jonas na nasa trabaho nga ito, ay buong araw na hindi ko nakita ang mukha niya. Buong araw na hindi ko maramdaman ang presensiya niya. Sa loob ng mahabang oras na nasa loob lamang ako ng kanilang bahay ay para bang hindi ako mapalagay. Hindi ako mapakali at palaging nasa pinto ang aking mga mata at hinihintay siyang pumasok mula doon. Sandaling naaliw ng mag-asawa ang aking anak sa pakikipaglaro dito. Mula dito sa sala ay rinig na rinig ko ang halakhak nilang tatlo mula sa playing room na inihanda ng matandang lalaki para sa kanyang apo. Talagang nagkakasayahan silang dalawa mula sa pakikipaglaro sa makulit kong anak. Ngunit hindi ko magawang pumasok sa loob at makisali sa tawanan nila. Ilang oras na ang nagdaan pero nandito pa rin ako sa sala at naghi