Sarah Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang pamilyar na gusali. Pagkalipas ng anim na taon ay heto ako ngayon at muling aapak sa gusaling iyon. Magmula nang umalis ako sa puder ng mga Alcantara ay hindi na naisip pang muli pa akong magbabalik dito. Akala ko noon ay habambuhay nang mawawala sa paningin ko ang lahat ng ito. Sinong mag-aakala na heto ako ngayon at muling dadalawin ng biglaan si Jonas sa kaparehong gusali kung saan nagsimula ang lahat ng masasakit na karanasan ko sa kamay niya. Move on, Sarah. Matagal na panahon nang nangyari ang lahat ng iyon. Hindi ba pweding ibaon mo na lang ang lahat sa limot? Tapos na iyon at hindi mo na mababago pa ang lahat ng nagdaan. Ang tanging magagawa mo na lang ngayon ay harapin ang bukas ng may bagong pag-asa. Sa bagong kabanata na ito n