Jonas Magkahalong takot at pananabik ang nararamdaman ko ngayon. Takot para sa kalagayan ng anak kong si Jehan at pananabik para sa kaisipan na uuwi ako ng Batangas na kasama ang asawa at ang anak kong si Johan. Kahit na gusto ko pa sanang masolo ang mag-ina ko ay kailangan ko na rin umuwi dahil nag-aalala ako sa anak kong babae. Magmula nang makatanggap ako ng tawag mula kay Trina ay ramdam ko na ang mas panlalamig pa ni Sarah sa akin. Sa loob ng limang araw ay nagawa kong mas mapalapit pa sa kanya. Kahit papaano ay nakuha ko ang loob niya at nag tagumpay na pangitiin siya. Pero magmula kanina ay para bang bumalik siya sa simula, naging malamig at tahimik siya kaya kinakabahan ako. Marahil ay hindi pa siya handang bumalik sa lugar kung saan siya nawasak. Marahil ay hindi pa siya handa