Sarah Ilang dangkal pa lang ang layo ng sasakyan mula sa malaking pintuan ng mansyon ng mga Alcantara ay tanaw na tanaw ko na ang mukha ng babaeng nakatayo sa labas niyon na tila ba naghihintay sa pagdating ng lalaking kasama namin ng anak ko. Kaagad akong nakaramdam ng kirot sa puso ko nang makita ang mukha niyang kahit sa panaginip ko ay ayaw ko nang makita pa. Habang walang emosyon ang mukha kong nakatitig sa gawi niya ay ramdam ko rin ang titig ng dalawang pares ng mga mata na para pang hinuhukay ang laman ng pagkatao ko. Pakiramdam ko ay binabasa niya ang emosyon na mayro'n ako sa mga sandaling iyon. "Dito na rin pala siya nakatira?" natatawa kong tanong sa kawalan pero ramdam na ramdam ang pait sa boses ko. Bahagya akong lumingon sa gawi ni Jonas nang marinig ko ang tinig niya