Jonas Magaan ang loob at may naka-ukit na ngiti sa mga labi ko na pumasok ng pituan ng aming bahay. Karga ko pa rin ang anak ko habang sabay naming tinatahak ang pasilyo na patungo ng sala. "Wow... Papa, ang laki po ng bahay niyo," namamanghang sambit ng anak ko. Natawa ako at ginulo na naman ang magulo nang buhok ng anak ko. Bumungisngis ito na para bang nagugustuhan ang ginawa kong pag gulo sa buhok niya. Kay sarap pag masdan ang bawat ngiti nito. Para bang dinuduyan ako sa mga halakhak niya at nabubura niyon ang lahat ng pangamba ko sa buhay. "Anak, mag mula ngayon, ang bahay na ito ay bahay mo na rin," masayang imporma ko sa kanya. Muli akong natawa nang mabilis na lumaki ang mga mata niya at mabilis iyon pumalibot sa paligid ng sala. "Papa, baba po ako," nagpupumiglas na an