Jonas "Pa, nakita ko na siya. Nakita ko na ang asawa ko, Papa," masayang imporma ko kay Papa. Hindi ko na natagalan pa ang senaryong nasaksihan ko kaya nagpasya na lang ako na bumalik na sa aking kwarto. Sa subrang desperado ko ay bigla ko na lang naisip na tawagan si Papa. Sa pagkakataon na ito ay alam kong siya lang ang tanging makakatulong sa akin para mabawi ang asawa ko. Hindi ako magtatagal sa lugar na ito na walang napapatay. "Send me the address. Pupunta ako diyan, ngayon din," mabilis na sagot ni Papa. Napakagat labi ako nang mahalata sa tinig nito ang pananabik. "Oh, God. Thank you. Thank you, son. Thank you for doing a great job," emosyonal na aniya pa ni Papa. Natigilan ako sa pag tawag nito sa akin ng son. Hindi ko na matandaan pa kung kailan niya ako huling tinawag na a