Jonas Lumabas ako ng restaurant na 'yon na mabigat ang mga paa. Ayaw ko man iwanan ang batang nagparamdam sa akin ng kakaiba ay alam kong kailangan ko rin umalis para asikasuhin ang mga bagay-bagay. Anim na taon ang lumipas at sa hinaba-haba ng mga araw na paghahanap sa kanya, ay dito ko lang pala siya matatagpuan. Ayaw kong palampasin ang pagkakataon na ito. "Jonas, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi mo ba nakikita, huh? Masaya na siya sa iba. Bakit mo pa gugulihin ang buhay niya?" Galit na singhal ni Trina sa akin pero tila ba wala akong narinig. Kasalukuyan kong hinahanda ang mga gamit nila. Kinausap ko na ng maayos ang anak kong si Jehan at sinabi kong mauna na silang umuwi dahil may asikasuhin pa ako. Naintindihan naman ng bata ang desisyon kong magpa-iwan ngunit hindi si Trin