Sarah Isang buwan ang lumipas pagkatapos ng aksidenting iyon na nagpabago sa buhay naming lahat. Sa loob ng isang buwang pagdadalamhati ay nalaman kong nagdadalang tao rin ako. Biyayang maituturing ang biglang pag dating ng anak ko at talagang ikinatutuwa ko nang malaman kong may buhay na pala sa loob ng tiyan ko. Sa katanungan ay tatlong buwan na ang anak ko ngunit may parte pa rin sa buhay ko ang malungkot. Pakiramdam ko ay hindi buo ang araw at gabi ko dahil palaging hinahanap ng sistema ko si Jonas. Isang buwan ko siyang hindi nakikita at nakakasama at talagang subra na ang pananabik ko sa kanya. Gustong-gusto ko na siyang makita at mayakap Isang linggo matapos ang masugid na paghahanap ay natagpuan ang walang malay na katawan ni Trina sa hindi kalayuan ng pinangyarihan ng pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books