Jonas Tulala at hindi malaman ang gagawin habang nakatitig sa litrato naming tatlo ng asawa't anak ko. Hindi ko rin magawang kumain at matulog dahil talagang sila lamang ang naiisip ko. Kumusta na kaya ang mag-ina ko? Kumakain pa ba sila? Ang anak kong si Johan, umiiyak ba siya at naaalaala ba niya ako? Kay daming bagay na gumugulo sa isipan ko at may halong hindi maganda na iyon. Pilit ko man iwaksi ang masamang kaisipan sa pweding sasapitin nila sa kung sino man na may hawak sa kanila pero hindi ko mapigilan. Isang araw na silang nawawala pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung nasaan sila. Nagpakalat na rin si Papa ng kanyang mga tauhan, maging ang mga police ay naalarma na rin para hanapin sila pero wala pa ring nangyayari. Walang bakas ni Sarah at Johan ang makita kahit