Jonas "Jonas, nababaliw ka na ba? Bakit ka pumayag sa gustong mangyari ng babaeng iyon? Hindi ako papayag na sumama ka kay Trina. Anak, pakiusap, huwag mo nang ulitin pa ang lahat ng kasalanan mo kay Sarah," nabibigla at may halong pagmamakaawa na sigaw ni Mama sa akin. Pagkatapos kong pag isipan ang lahat ng napag-usapan namin ni Trina ay napag pasyahan kong sabihin sa kanila ang balak kong pakikipag kita at pag sama sa kanya kapalit ng kalayaan ng mag-ina ko. Si Papa ay kanina pang walang kibo. Hindi ko mabasa ang iniisip nito pero base sa malalim niyang pag buntong hininga ay mukha nag-iisip din siya kung tama ba ang gagawin ko. Desperado na ako sa gagawin ko. Kung iyon lang ang magliligtas kay Sarah at sa anak kong si Johan ay nakahanda akong isakripisyo ang sarili ko. Hindi bale