Chapter Thirty Five MAUREEN PAGBUKAS ko ng pintuan ng kwartong kinaroroonan ng aking Kuya Glen ay hindi ko inaasahan ang aking nakita. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa dinami-rami ng aking pwedeng makita ay siya pa. Si Ninong Gregorio. Anong ginagawa niya rito? Natitiyak kong alam niyang nakay Kuya ang mga prowebang magdidiin sa kanya kaya naman siya agad ang pinuntahan. Natitiyak din akong may kinalaman siya at ang anak niya sa pagkakadisgrasya ng aking kuya. "Oh hija, mabuti naman at nandito ka na. Magkasama ba kayo ni Cholo?" Bati niya sa akin na ngayon ay nakangiti pang nakipagkamay sa akin. Hindi ako nakangiti at mas lalong ayaw ko siyang ngitian. "Ihinatid niya lamang po ako dito. Umuwi ka po siya," ngunit hindi pa rin ako mawawalan ng paggalang kahit pa masamang tao s