Chapter Twenty Seven NATHAN KATATAPOS lang humupa ng malakas na ulan kaya naman basa pa ang lupa at dama ang malamig na temperaura ng kapaligiran. May mga patak pa ng ulan na tumutulo mula sa mga kahoy sa likod ng mansion, dito sa aming quarters kaya naman mas nakadadagdag pa ito ng pagtuog ng yero sa tuwing hahanginin ang mga dahon. Kasalukuyan akong nagkakape bandang alas kwatro ng hapon nang lumabas si Melissa mula sa kusina at sinabing ipinatatawag daw ako ni Sir Emilio sa loob ng mansion. Katatapos lang naming mag-ayos ng bakuran dahil sa mga kalat na naiwan mula pa kagabi sa selebrasyon ng kaarawan ni Sir Trinidad. “Kuya, ipinatatawag ka ni Sir Emilio, may importante raw po kayong pag-uusapan,” ani Melissa na ngayon ay papalapit sa lamesa. “Tungko saan ang pag-uusap na ito?” tan