Chapter Twenty One MAUREEN MASASABI KONG nag enjoy talaga ako sa aming pagpunta sa tinatawag nilang paraiso. Hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila at nararamdaman ko na parang welcome na talaga ako sa kanilang grupo. Punong-puno ng tawanan at ang kwentuhang masasaya ang aming naging pulutan sa araw na iyon. Pagkatapos ng pananghalian na punong puno ng kasiyahan ay saka naman kami magtampisaw sa malamig na tubig ng ilog. Marunong naman akong lumangoy kaya naman nakikiisa ako sa kanila sa paglalaro sa tubig. Matapos nito ay nakita kong si Nathan ay magiliw na magiliw na nakikipaglaro sa mga bata pati na rin sa kanyang mga kaibigan habang kami nila Kyla, Yumi, Ruby, Kristine at Lara ay masayang nagkukwentuhan habang nasa gilid lamang matapos kong mag enjoy sa paglangoy. Kapwa nami