Chapter Twenty Nine MAUREEN NAPAGPLANUHAN ng mabuti ang gagawing hakbang ni Cholo. Wala akong magawa kundi magalit sa mga magulang ko dahil sa ginawa nilang ito sa akin. Niloko nila ako. Niloko nila akong lahat. Napatahimik ako sa kaisipang ito. Saan nga ba galing ang mga magulang ko sa mga nagdaang araw? Bakit nga ba sila palagiang nawawala ng ilang gabi at araw? Hindi kaya, ito ang dahilan ng kanilang mga lakad? Napapailing na lang ako dahil napagdugtung-dugtong ko na ang lahat. Klaro na sa isipan ko ang ginawa nilang ito sa akin. Para nila akong ibinenta sa kanilang kaibigan. “Cholo, bakit niyo ginagawa ito? Alam mong hindi pa ako handa para sa relasyon pero bakit kailangan mo pa rin itong ipagpatuloy?” gusto ko siyang konsensyahin sa mga bagay na ito. Lumingon siya sa akin at