"Oy tingnan niyo 'yon!" sigawan ang mga tao na nakatingala sa langit. Tinitingnan nila ang kabayong lumilipad sa kalangitan. "Ang galing!" sabi ng mga bata. "Mahabaging Diyos!" ang mga matatanda naman ay napapaantada. At ang iba ay pinipicturan at vinivideoan ang 'di pangkaraniwang hayop na lumilipad. Nagkatinginan sina Erika at Jojit. Sabi na nga ba nila at ganito ang mangyayari. "Lumapag siya sa building na iyon!" sabi ni Jojit. "Tara! Puntahan natin siya!" sabi ni Erika. Magkahawak kamay na tinungo ni Erika at Jojit ang gusaling pinuntahan ng unicorn. Gulat na gulat sina Lorben, Estong, Danica at Nica nang biglang lumapag sa kanilang kinaroroonan ang ardiang si Slypha (The guardian unicorn) "Kuya kaninong ardia iyan?" tanong ni Estong. Tila ba ay mga tao ang wolf at unicorn na