"Ang astig talaga nito!" hindi mailarawan ang kagalakan ni Jojit nang makita na rin niya ang kanyang ardia (guardian) na si Ardia Monis (The lion guardian). Hinihimas-himas nila ang lion ni Estong sa ulo. Na kahit mabangis na lion ang ardia ay napakaamo naman nito sa kanila. "Ang mabuti pa Jojit itago mo na rin ang iyong ardia at baka may makakita na tao" utos na ni Lorben sa binata "Dapat niyong isaalang-alang ang kaligtasan ng inyong mga ardia. Hindi sila dapat makita ng mga ordinaryong tao dito sa mundo niyo at baka manganib sila or baka ang mga kapwa niyo tao ang manganib" Nabahala si Jojit. Sa lahat ay parang ito ang mas nagmamahal na ngayon pa man sa ardia nito "Paano ko siya pababalikin sa aking hiyas?" "Sambitin mo ang salitang ILBUS'G A gaya ng sinambit kanina ni Erika" sagot n