Kahit paano ay maluwag na rin sa dibdib ni Lorben na iniwanan si Saprea (prinsesa) Akial niya na ngayon ay isa ng pusa sa pangangalaga ni Erika. At least ganun lang ang kinalabasan ng sumpa ng mangkukulam sa kanilang mahal na prinsesa. At least kinagigilwan pa rin ito ng mga tao sa kabila ng iba na nitong wangis kaya naalagaan pa rin ito ng husto. Nakangiti na rin si Saprea Akial sa kanyang kinakukulungan na madilim na kawalan. Magaan na rin ang kalooban ng saprea dahil alam na niyang gumagawa ng paraan si Ore (magiting na mandirigma) Lorben para maibalik siya sa totoong hitsura niya o makawala sa sumpa. At para malabanan ang mangkukulam niyang itna (tita). Alam niyang gagawin din ng lahat ni Ore Lorben para mabawi nila ang mundo nilang ALbayana. "H'wag kang mag-alala mahal na saprea. Ma