"Teka nasan si Lorben?" pansin ni Nica nang di makita ang binata sa paligid. Napalinga-linga na ang lahat. Hinanap nila ng tingin si Lorben. "Nasan 'yon?" sambit ni Danica. "Baka umalis saglit" ani Erika. Si Jojit ang walang pakialam. Naiinggit talaga ito sa espada ni Mico na biglang lumitaw. Kinikilatis talaga nito ang espadang nag-aapoy. Si Saprea (prinsesa) Akial na nasa loob ng pusa ang napasapo sa noo at napailing-iling dahil nakita niya si Lorben sa may sanga ng kahoy at nakaipit doon. Malinaw ang mata ng pusa kaya kitang-kita niya kahit medyo malayo ang magiting na ore (kawal). "Micooooo!" saglit lang ay lumitaw na si Lorben. Ginamit na nito ang kakayahan niyang magteleport. Biglang iwas si Mico at Jojit dahil biglang sugod si Lorben. Sa gitna nila tumama ang espadang armas d