"Meng meng! Meng meng!" niyu-yugyog-yugyog ni Estong ang pusang nawalan ng malay pagkatapos magliyab kanina "Kuya Lorben anong nangyari dito sa pusa?" at tanong nito kay Lorben. Saglit na sumulyap si Lorben sa bata at tiningnan ang pusa. Hindi niya na rin alam ang nangyayari. Naguguluhan na siya. Idagdag pa 'yung nakita niyang paglabas ng ardiang phoenex kay Mico. May nangyari kayang kababalaghan? "Halla!" napakislot si Estong sa sobrang pagtataka nang tumayo na ang pusa at parang walang nangyari. Pati man si Lorben. Maang sila na nagkatinginan sa isa't isa. "Na oya ganad! Add nasaga ag oyatkabagna i naba!" ~H'wag na kayo mag-alala! May pag-asa na tayong manalo sa laban!" maluwang ang pagkakangiting wika ni Prinsesa Akial na nasa loob ulit ng pusa kahit na alam niyang hindi siya nariri