Bumuhos ang iyak ni Erika na yumakap sa mga dumating na mga kasama. Labi-labis ang kanyang pasasalamat dahil sa totoo lang ay nawalan na siya ng pag-asa na muling makita ang mga ito. Sa kanyang pakiramdam ay parang kay tagal na hindi niya nakita ang mga ito lalo na si Jojit. "Tutulungan ko na si Mico!" sabi agad ni Danica. Hindi na ito pinigilan nina Lorben. "Okay ka lang?" tanong ni Jojit kay Erika nang medyo kumalma na ang dalagita. Inayos-ayos nito ang buhok ni Erika. Tapos ay pinunas-punas ang luha saka hinalikan sa noo. Lalong namalisbis ang mga luha ni Erika sa ginawang iyon ni Jojit. Pagkatapos ay muli silang nagyakap. Hinayaan lang naman ito nina Lorben, Nica at Estong. Palipat-lipat ang tingin nila sa taas kung san nakikita nila si Mico at Danica na nakikipaglaban. "Tahan na"