PRECY Abala ako sa pagsusulat ng may narinig akong malakas na tinig ng isang babae mula sa labas ng bahay. “Tao po! Tao po!” Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang magandang mukha ng guro ng mga anak ko sa kindergarten na si Teacher Jhona. “Misis, magandang hapon po,” nakangiting bati niya sa akin. “Magandang hapon rin po, ma'am,” magalang na bati ko rin sa kanya nang lumapit si Teacher Jhona sa akin. “Pumunta po ako dito sa inyo dahil bukas na po ang kompetisyon ng mga bata sa bayan para sa English at Math quiz. Isa po sina Patrick at Paul sa mga nanalo sa quiz dito sa school last week, kaya sila rin po ang magiging representative natin sa bayan bukas,” magalang na sabi sa akin ng teacher ng mga anak ko. Ngumiti ako sa kanya at inaya siyang pumasok sa loob ng bahay para um