ARYAN Inabot ko ang remote control at binuksan ang malaking telebisyon para makita ko kung ano na ang nangyayari sa loob ng silid ko. Galit na pinalayas kasi ako kanina ni Precy sa loob ng silid namin, kaya dito ako sa library naglalagi ngayon, habang gumagawa ng paraan para makahanap ng langka na walang buto. Napatitig ako sa screen habang pinagmamasdan ko ang magandang mukha ng asawa ko, kasama ang mga anak namin. Kahit walang DNA test na naganap sa pagitan namin ng mga anak ko ay sigurado akong anak ko ang kambal dahil kamukhang-kamukha ko sila. Lahat ng facial features nila ay nakuha sa akin at ang tanging namana nilang dalawa kay Precy ay ang kanilang kulay at buhok. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kambal ang naging anak namin ni Precy dahil wala man lang ako